Ang kalikasan, siyensiya, at kultura ay makikita sa pinakaunang museo ng Australya.

Ang Australian Museum ay nasa sentro ng lungsod ng Sydney, sa tapat ng Hyde Park. Madaling puntahan, makakapasok ang mga may kapansanan, at perpektong bisitahin kahit mainit o umuulan. Bukas mula 10am hanggang 5pm, Lunes hanggang Linggo, at nakabukas hanggang 9pm tuwing Miyerkules, planuhin ang iyong pagbisita sa Australian Museum at tuklasan ang mga kahanga-hangang eksibisyon na naka-display.


Ano ang Australian Museum?

Dito mismo sa Sydney, maaari mong matuklasan ang natural na kasaysayan at kultura ng Australya at ng Pasipiko.

Ang Australian Museum ay hindi lamang tungkol sa nakaraan. Ito ay isang aktibong museo kung saan pinag-aaralan ng mga siyentipiko, mananaliksik, at mga curator ng mga kagila-gilalas na bagay sa ating mundo - at maaari kang maging bahagi nito.

Magkaroon ng karanasan sa lalong pinagandang Australian Museum nang walang bayad.

Mag-enjoy sa mas malawak na mga galeriya, maraming koleksyon na naka-display, binagong mga lugar ng pagtitipon, isang bagong pamilihan, pangalawang kapihan, pinagandang Members’ Lounge, at mga pinabagong pasilidad.

Bisitahin ang pinakaunang museo ng Australya sa gitna ng Sydney upang matuklasan ang kultura ng mga Aborihinal at Torres Strait Islander, ang aming koleksyon ng mga dinosaur ng Australya, at ang mga pinakamapanganib na hayop sa Australya. Magkita-kita tayo sa Australian Museum.


Ano ang mga tampok sa Australian Museum?

Bisitahin kami upang tuklasin ang pinakamalaking koleksyon ng mga natural, kultural, at makasaysayang bagay at specimen sa Southern Hemisphere dito sa pinakaunang museo ng Australya.

Maraming makikita sa Australian Museum. Itinatampok dito ang:


Visitors looking at an exhibition

Mga kultura ng mga First Nations sa Garrigarrang (Sea Country).

Tyrannosaurs

Pagmasdan nang malapitan ang mga dinosaur at hayop ng Australya sa Level 2.


Treasures Illuminated promo photos

Ang Westpac Long Gallery, ang unang galeriya sa Australya, ay nagpapakita ng 100 mga yaman mula sa aming mga koleksyon kasama ang mga kuwento tungkol sa mga 100 na pinaka-maimpluwensiyang tao sa Australya.

Visitors at the Australian Museum Shop

Mamili ng mga magagandang bagay na nabigyang inspirasyon ng aming koleksyon. Lahat ng kita mula dito ay tumutulong sa pagpopondo ng aming mga programa sa agham, edukasyon, at eksibisyon.


Alamin ang kultura ng mga First Nations

Tourism Australia - First Nations Galleries

Maranasan ang pinakamatanda ngunit patuloy pa ring nabubuhay na kultura sa Mundo sa aming First Nations na galeriya. Dadalhin ng Garrigarrang (Sea Country) ang mga bisita sa isang paglalakbay upang lalong maunawaan ang kasaysayan, kultura, at mga karanasan sa buhay ng mga Aborihinal at Torres Strait Islander.

Tuklasin ang mga Dauma & Garom ghost net sculpture bilang bahagi ng aming permanenteng pang-eksibisyong lugar ng mga Katutubong Australyano. Ang mga iskultura ay gawa mula sa mga itinapon na mga lambat-pangisda na nagkalat sa mga karagatan sa Northern Australia. Nililok ito ng mga Katutubong iskultor at mga miyembro ng komunidad upang maipahayag ang mga tradisyonal na kuwento at maipahayag ang pagkapinsala na mula sa mga ghost net.


Ang mga pagpapasyal sa Australian Museum First Nations

waranara

Pamumunuan ng mga Aborihinal na gabay ang mga Waranara First Nations tour. Ang mga gabay ay magkukuwento ng kanilang mga personal na mga karanasan tungkol sa kanilang lupain at kultura habang kayo ay naglalabay sa First Nations Gallery.

Mag-email sa Bookings Office para sa pagpareserba ng grupo:
Group.Bookings@australian.museum.


Ano ang mga hayop ng Australya na makikita ko sa Museum?

Young girl with a megafauna display

Mga hayop ng Australya na nawala na: Makita nang malapitan ang mga dinosaur at Tasmanian tiger

Bisitahin ang Muttaburrasaurus at ang napakalaking diprotodon kapag ginagalugad mo ang mga sikreto ng Dinosaur Gallery ng Australya at ang nabubuhay pang mga koleksyon ng Australya. Pagmasdan nang malapitan ang aming Tasmanian tiger at magkaroon ng karagdagang kaalaman kung kailan sila gumala sa ating mundo.

Funnel-web spider - <i>Atrax robustus </i>(female)

Mapanganib na mga hayop ng Australya: Mga Funnel Web at Redback spider

Ang Australya ay may 10,000 na uri ng mga gagamba, ngunit sa kabila ng kanilang reputasyon bilang nakamamatay, iilan lamang ang nakakapinsala sa mga tao. Tingnan ang nakamamatay na Sydney Funnel Web at babaeng Redback nang malapitan.

Family in Search and Discover

Ang duck-billed platypus

Tuklasin ang pinakamisteryosong mga hayop sa Australya - ang duck-billed platypus. Ang hayop na ito ay napakapambihira, maraming mga siyentipiko sa Europa ang napaisip noon na ito ay peke.


Mga highlight ng eksibisyon

Treasures Illuminated Launch

200 na mga Yaman ng Australian Museum

Ang Westpac Long Gallery ay tahanan ng 200 Treasures of the Australian Museum. Ang unang galeriya ng museo ng Australya ay nagpapakita ng mga bagay, mga ideya at mga taong humubog sa ating bansa. Kabilang sa ating mga yaman sa Australya ang pinakapurong gintong nugget sa mundo - at ang ating Princess of Pop Music na si Kylie Minogue.

Wild Planet exhibition visitor

Mahigit sa 400 na mga hayop sa iisang bubong!

Halina’t pagmasdan ang buhay sa mundo na may nakamamanghang pagkakaiba-iba sa aming Wild Planet exhibition. Sa Wild Planet ay makakaharap mo ang mga higante ng kalikasan: elepante, rhinoceros, giraffe, leon, tigre at oso. Mamangha sa kalansay ng Sperm Whale, at pagmasdan mo ang pinakamalaking ibon at gamu-gamo sa Mundo. Makakakita ka rin ng mga nawala nang specie katulad ng Thylacine, at matututunan mo kung bakit napakahalagang panatilihin ang iba’t ibang kalikasan (biodiversity).


Chinese Language Tour

Subukang maglaan ng hindi bababa sa 2-3 oras upang matuklasan ang buong kagandahan ng kalikasan ng Australya at kultura ng First Nations.

Masikip ba ang iyong iskedyul at mayroon ka lamang isang oras na gugugulin? Bisitahin ang mga eksibisyon ng First Nations Gallery, Dinosaur at Surviving Australia.


Saan kami matatagpuan

Ang gusali ng Australian Museum ay nasa kanto ng College Street at William Street sa central Sydney. Ito ay pagkatawid mo ng kalsada mula sa Hyde Park at katabi ng St Mary's Cathedral.

Pagpunta dito sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan

Sydney Trip Planner

Gamitin ang Opal Travel o Sydney Trip Planner mobile app para planuhin ang iyong pagbiyahe patungo sa Museum gamit ang pampublikong sasakyan.

Mga tren

Ang pinakamalapit na mga istasyon ng tren ay ang St James, Museum o Town Hall. Lahat ng mga istasyon ng tren ay humigit-kumulang 7 minutong paglakad papuntang Museum.

Mga bus

Bumaba mula sa bus pagdating nito sa sentro ng lungsod malapit sa Hyde Park o Town Hall. Humigit-kumulang 7 minutong paglakad ito papunta sa Museum, maglakad nang pasilangan sa kahabaan ng Park Street patungo sa Kings Cross.

Hop-on Hop-off Tour Bus

Humihinto ang Sydney at Bondi Big Bus tour sa tapat ng pasukan ng Museum sa William Street.

Paradahan sa Australian Museum

Kasalukuyang walang magagamit na paradahan (parkingan) sa Museum. Inirerekomenda namin ang mga parkingan sa mga kalapit na car park at parkingang de-metro sa mga nakapaligid na kalye. Ang mga kalapit na Car parking station ay matatagpuan sa:

  • Wilson Parking, 70 Riley Street, Darlinghurst NSW
  • Wilson Parking, The Domain, 1 St Mary’s Road
  • Upang makatanggap ng diskwento sa Wilson Parking, mag-pre-book online at gamitin ang promo code na MUSEUM.

Upang ipagdiwang ang muling pagbubukas ng Australian Museum, ang general admission ay libre para sa mga matatanda at bata sa limitadong panahon. Nasasabik kaming mag-alok ng karagdagan pang pagkakataon para maranasan ng mga bisita ang bagong Australian Museum.

Ang mga espesyal na tiket sa eksibisyon at kaganapan ay maaaring mabili online o gamit ang cash, eftpos o credit card sa Admissions desk sa Crystal Hall, Ground Floor. Maaaring may dagdag na singil (surcharge) ang credit card.

Mangyaring basahin ang aming Ticket Terms and Conditions (Mga Tuntunin at Kundisyon ng Ticket) para sa karagdagang impormasyon.


Westpac Long Gallery Accessibility

Kadaliang mapuntahan ng Australian Museum

Nais ng Australian Museum na madaling mapuntahan ng lahat ang aming mga exhibit.

Kadalian ng pagkilos at paglilibot sa paligid

Ang pangunahing pasukan (main entrance) ay may access ramp para sa mga naka-wheelchair at mobility scooter.

Ang museo ay mayroon ding:

  • rampa sa lahat ng mga exhibit
  • mga elevator para dalhin ka sa iba’t ibang palapag
  • mga automatic door

May magagamit na mga wheelchair kapag bumisita ka. Mangyaring magtanong sa admissions desk sa main entrance.

Mga nagbibigay nang suportang hayop

Ang mga guide dog at kasamang aso ay malugod na tinatanggap sa Australian Museum. Maaari kang kumuha ng mangkok ng tubig para sa iyong hayop sa Admissions Desk sa ground floor.

Mga hearing loop

Nakakabit ang mga hearing loop sa Australian Museum.

Mga paglilibot (tour)

Ang Australian Museum ay nagdidisenyo ng mga espesyal na programa para sa mga bisita at kanilang mga pamilya na may iba't ibang pangangailangan. Magtanong tungkol sa maaaring mahawakan at madama (tactile and sensory) na tour, araw-araw na mga orientation tour, o may napapakinggang paliwanag (audio description) na tour.

Magagamit na paradahan

Walang magagamit (accessible) na paradahan sa mismong Museum. Ang pinakamalapit na magagamit na paradahan ay ang metered car parking sa mga kalye na malapit sa Museum.

May 11 na espasong parkingan ng mga sasakyang accessible sa Enacon Parking sa Cathedral Street. Ito ay 3 minutong paglakad mula sa Museum at walang mga hagdan.


Girls looking at a museum map

I-download ang mapa ng Australian Museum upang malaman ang mga lugar sa paligid.

Madaling mapuntahan ang Museum mula sa sentro ng lungsod ng Sydney, na matatagpuan sa tapat ng Hyde Park at sa kanto ng College at William Street.


Westpac Long Gallery audio tour

Matutulungan ng bookings team ang inyong tour group na masulit ang inyong oras sa Australian Museum. Piliin ang mga exhibit na gusto ninyong makita kasama ng aming mga ekspertong curator at kawani.

Upang mag-ayos ng group tour, mangyaring magpadala ng email sa group.bookings@australian.museum.



Australian Museum Shop

Australian Museum Shop

Ilagay sa alaala ang iyong pagbisita na pamamagitan ng pagbili ng mga souvenir sa Australian Museum Shop. Bumili ng mga natatanging Aboriginal at Torres Strait Islander na mga likhang sining, mga gemstone ng Australya, at mga designer gift mula sa mga lokal na artist.

Ang Shop ay nasa ground floor at bukas sa mga oras ng Museum.

Maaari kang magbayad sa tindahan gamit ang cash (Australian dollar), o lahat ng pangunahing debit at credit card.

Family in cafe

Mga pagkain at inumin

Uminom ng kape na may kasamang sandwich, fruit salad o meryenda sa aming pampamilyang kapihan, ang Billabong Waterhole.

Ang Billabong Waterhole, na matatagpuan sa Level 2, ay nag-aalok ng mga madaling bilhin na pampamilya at magagaang pagkain, meryenda, malamig na inumin, tsaa at kape. Maaaring dalhin ang pagkain o kumain mismo dito.


Subscribe to our eNewsletter

Keep up to date on events, new exhibitions, special offers and scientific discoveries with our What's On eNewsletter. Receive the latest news on school holiday programs and much more!

Sign up now